Magandang report para sa mga Pilipino ang inaasam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sandaling bumalik na ito ng bansa galing ng Bangkok, Thailand kaugnay ng pagdalo nito sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Ayon sa pangulo, tututukan niya rin ang progress sa naging preliminary discussions na naganap sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cambodia kasama ang kanyang kapwa leaders.
Sisikapin niya raw makabuo ng talakayan kaugnay dito lalo na’t malinaw naman aniyang maraming areas of consensus sa pagitan ng mga bansang nasa Asia Pacific, Indo-Pacific regions.
Binigyang diin ng Pangulong Marcos na sa lahat ng ito ay hindi mawawala ang kanyang pangarap na walang Pilipino ang gugutumin pa.
Sinabi ng pangulo na sa ginagawang pagsisikap ng kanyang administrasyon para sa bansa ay ang hangaring makita itong isang upper middle-income Philippines sa mga susunod na panahon.