PBBM, umaasang raratipikahan ng Senado ang international agreement sa climate change

Inaasahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pagtitibayin pa ng Senado ang pinasok ng Pilipinas na international agreement sa Global Green Growth Institute (GGGI) kaugnay sa climate change.

Sa ilalim ng naturang kasunduan, magtatatag ng headquarters ang GGGI sa Pilipinas para madaling makaalalay sa climate resiliency at mga hakbang sa pangangalaga sa kapaligiran.

Sa courtesy call sa Malacanang ng GGGI, sinabi ni Pangulong Marcos na welcome ang anumang rekomendasyon para maibsan ang epekto ng climate change.


Hindi na aniya kasi maiiwasan ang epekto ng nagbabagong weather pattern at patuloy na pag-init ng atmosphere.

Dahil dito, umaasa si Pangulong Marcos na raratipikahan ng Senado ang nasabing kasunduan sa oras na makausap ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga opisyal ng GGGI.

Facebook Comments