Umapela ng tulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa media para labanan ang fake news, unregulated social media at artificial intelligence.
Sa oathtaking ng board of trustees ng Association of the Philippines Journalists-Samahang Plaridel Foundation Incorporated, sinabi ng pangulo na ito ay para matukoy ang totoong balita mula sa mga kasinungalingan.
Ayon sa pangulo, mahalaga ang papel na ginagampanan ng media sa pagbibigay ng tamang balita at impormasyon sa publiko.
Matatandaang isa si Pangulong Marcos sa mga biktima ng fake news at deepfake video.
Nanawagan din ang pangulo na panatilihin ang integridad ng media, itaguyod ang press freedom, at manatiling patas na itinuturing na ikaapat na estado ng bansa.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na nakasuporta ang administrasyon sa mga adhikain ng media at pangangalagaan ang kapakanan ng mga ito.