Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iwasan sanang gamitin ang mga eskwelahan bilang evacuation centers tuwing may kalamidad.
Ito’y kasunod ng pagsasabatas ng Ligtas Pinoy Centers Act na nagtatakda ng pagtatayo ng mga evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa.
Ayon sa pangulo, ang mga paaralan kasi ay nagsisilbing santuwaryo ng kaalaman at pagiging malikhain.
Kaya naman dapat aniyang mapanatiling maayos ang mga gamit ng mga paaralan para sa kapakanan ng mga estudyante at pagpapaunlad ng education system.
Matagal na rin itong inaapela ng Department of Education at ngayong may batas na para sa pagkakaroon ng evacuation centers sa mga bayan at siyudad ay maiiwasan na itong magamit bilang evacuation centers.
Facebook Comments