Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maabot ang ambisyong maging upper middle-class status ang Pilipinas sa susunod na taon.
Ayon kay Pangulong Marcos, kaya itong makamit sa patuloy na pagpupursige ng pamahalaan na makahikayat at makapagpasok ng foreign investors sa bansa.
Desidido aniya ang kaniyang administrasyon na maabot ang nasabing target pagdating ng 2025.
Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na malaki ang maitutulong ng pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas para maabot ito.
May mga batas kasi aniyang pumipigil sa pagpapalakas sa mga foreign investment kung kaya’t nalilimitahan ang economic potential at global competitiveness ng bansa.
Gayunpaman, ang pag-amyenda sa nasabing probisyon ay dapat gawin sa pamamaraang katanggap-tanggap para sa lahat.