PBBM, VP Sara at buong gabinete, hinamon na magsapubliko ng SALN

Hinamon ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio na huwag ng magpatumpik-tumpik pa sa paglalabas ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Vice President Sara Duterte at buong gabinete.

Giit ni Tinio, ang paglalantad ng SALN ay sang-ayon sa Konstitusyon at sa batas at ito rin ang hinihingi ng mamamayan upang masuri kung namumuhay ng tama, nananatiling tapat sa serbisyo at hindi gumagawa ng korapsyon ang mga opisyal ng gobyerno.

Ang hamon ni Tinio ay kaakibat ng kanyang pagkadismaya sa limitado at mahigpit na patakaran ng malakanyang sa paglalabas ng SALN ng presidente at miyembro ng kaniyang gabinete.

Ayon kay Tinio, lumilitaw na puro postura lang ang Malakanyang pero hindi naman kayang gawin ang pagsasapubliko ng SALN bilang bahagi ng paglaban sa korapsyon at pagsusulong ng transparency at accountability.

Facebook Comments