PBBM, wala pang desisyon kung papalitan ang mga nagbitiw na miyembro ng ICI

Magpapatuloy ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pag-iimbestiga ng mga infrastructure projects ng gobyerno, kahit iisa na lamang ang natitirang miyembro nito.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi nag-iisa si ICI Chairperson Justice Andres Reyes sa trabaho dahil maaari pa rin siyang suportahan ng iba pang matataas na opisyal ng ICI, kabilang ang Executive Director na si Atty. Brian Keith Hosaka.

Sa ngayon, wala pa aniyang impormasyon kung may napili na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kapalit ng mga nagbitiw na ICI members na sina dating Department Of Public Works And Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson at Rosanna Fajardo.

Kasabay nito, tiniyak din ng Malacañang na tuloy ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman at ang agarang pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno.

Facebook Comments