
Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatiling maayos ang kaniyang relasyon kina dating Executive Secretary Lucas Bersamin at dating Budget Secretary Amenah Pangandaman, sa kabila ng rigodon sa gabinete na nauwi sa kanilang pag-alis sa puwesto.
Matatandaang inanunsyo ng Malacañang ang pagbibitiw ng dalawa dahil sa “delicadeza” matapos maipit sa kontrobersiyang may kinalaman sa budget.
Gayunman, iginiit ni Bersamin na hindi siya kusang nagbitiw, kundi sinabihan lamang na umalis sa posisyon.
Ayon sa Pangulo, nagkausap na sila ni Bersamin at napagkasunduang manatili sa pagitan nila ang detalye ng kanilang pag-uusap.
Samantala, sinabi ng Pangulo na nadawit lamang si Pangandaman sa isyu.
Giit niya na mahalagang hindi mailagay ang dating budget chief sa posisyong maaaring pagdudahan o akusahang may impluwensiya sa anumang imbestigasyon o proseso









