PBBM, walang kapangyarihang ipa-inhibit ang mambabatas na nadadawit sa flood control probe

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na prerogative ng Senado at Kamara ang magsagawa ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Ito’y kahit pa may mga alegasyon na ilang mambabatas ay dawit sa kontrobersya.

Ayon sa pangulo, walang kapangyarihan ang ehekutibo na pilitin ang sinumang mambabatas na mag-inhibit, lalo na’t halos imposibleng may umamin na may direktang koneksyon sa mga kontrata.

Dagdag pa niya, makatutulong ang imbestigasyon ng lehislatura para magbigay ng dagdag na impormasyon na magagamit ng bubuuing independent commission sa ilalim ng executive order.

Tiniyak naman ng Malacañang na ibubuhos ang buong suporta sa commission at makikipagtulungan ang lahat ng ahensya ng gobyerno para tuluyang mabunyag ang katotohanan sa likod ng mga iregularidad.

Facebook Comments