PBBM, walang kapangyarihang pigilang bumiyahe ang mga mambabatas palabas nang bansa

Bumwelta ang Malacañang kay Vice President Sara Duterte matapos nitong kuwestyunin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng pagbibitiw ni Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker at isyu ng korapsyon sa national budget.

Kasunod ito ng pahayag ni Duterte na dapat hindi pinayagan ang mga mambabatas na umalis ng bansa habang iniimbestigahan, at ang pagbibitiw para umano makaiwas sa pananagutan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang kapangyarihan si Marcos na pigilan ang mga kongresista at senador sa pagbiyahe dahil malinaw ang “separation of powers.”

Pinuntirya rin ng Palasyo ang mga biyahe ni VP Sara na gumastos ng P7.4 milyon mula sa pondo ng gobyerno para sa kanyang seguridad, habang patuloy ang mga isyu ng katiwalian at mga bantang impeachment laban sa kanya.

Giit pa ni Castro, si Pangulong Marcos mismo ang nagpasimula ng imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects, kaya’t mali aniya ang pagdawit ng bise presidente sa Pangulo.

Facebook Comments