
Iginagalang ng Malacañang ang desisyon ng Kamara na suspendehin nang 60 araw si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, malinaw na internal issue ito ng House of Representatives at hindi dapat idikit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang kaso laban kay Barzaga ay nakabatay sa umano’y pag-post ng nude photos at sa pagkalat ng maling impormasyon sa kanyang social media, kabilang ang mga isyung may kinalaman sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Matatandaang pinagtibay ng plenaryo ang rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na suspendihin si Barzaga sa botong 249 pabor, 5 tutol, at 11 abstain.
Dahil dito, masususpinde si Barzaga nang dalawang buwan at walang matatanggap na sweldo at allowance.









