
Mariing itinanggi ni House Committee on Ethics and Privileges Chairman at 4Ps Party-list Rep. JC Abalos ang haka haka na maaring inimpluwensyahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ang desisyon ng Kamara na suspendehin sa loob ng 60 araw si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga.
Ayon kay Abalos, may mga batayan ang komite sa rekomendasyon na suspendehin si Barzaga at walang kinalaman ang Pangulo.
Kabilang sa tinukoy ni Abalos na tatlong grounds ng suspensyon kay Barzaga ay ang paglabag sa House Rules gayundin sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at Conduct Unbecoming of a House Member.
Malinaw ayon kay Abalos na may mga nilabag na patakaran si Barzaga kaya ito pinarusahan ng Kamara at hindi para patahimikin sa pagpuna o pagbatikos kay PBBM.









