Walang pangangailangan para magtayo ng armory sa Pilipinas.
Ito ang sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa tanong kung gagayahin ng Pilipinas ang Japan na dinoble ang budget ng defense department.
Target kasi ng Japan na gawing 2 percent ang defense spending mula sa kanilang gross domestic product sa susunod na limang taon.
Sa one-on-one dialogue ni Pangulong Marcos kay World Economic Forum president Børge Brende dito sa Switzerland, sinabi nito na hindi kailanman solusyon ang militar sa anumang problema.
Paliwanag ng pangulo, wala sa economic situation ang Pilipinas para magtayo ng armory.
Samantala, bukas dito sa Switzerland o ngayong araw dyan sa Pilipinas ang huling araw ng pangulo dito sa Switzerland.
Sa kanyang huling araw dito, siya ay dadalo sa Filipino community event, kapihan with the media at dadalo rin sa presentation ng wine and paintings na pangunguhanan ng Philippine Embassy ng Berne.
Pagkatapos nito ay aalis dito sa Switzerland pabalik dyan sa Pilipinas ng alas-8:00 bukas ng gabi oras dito sa Switzerland at alas-3:00 ng hapon dyan sa Pilipinas.