
Mas pipiliing magtrabaho ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa halip na bantayan ang pag-usad ng impeachment case laban sa kanya.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, hindi niya nakikitang bibigyan ng panahon ng Pangulo ang mga pagdinig, kapwa sa anyo at nilalaman.
Mas prayoridad aniya ng pangulo ang kanyang, ang kanyang trabaho at hindi ito nangangamba dahil wala naman umano itong nagawang anumang impeachable offense.
Dagdag pa ni Castro, batay sa mga panayam ng ilang legal luminaries at constitutional experts, mahina umano ang reklamong inihain laban sa pangulo at walang sapat na basehan.
Naniniwala rin aniya ang mga ito na hindi magiging padalos-dalos ang mga mambabatas at nananaig pa rin ang pag-iisip para sa kapakanan ng bayan.










