
Binalewala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga akusasyon ni dating Cong. Zaldy Co tungkol sa umano’y P100 billion budget insertions.
Sa ambush interview sa Bacolod, tinanong ang Pangulo tungkol sa mga rebelasyon ni Co, pero agad niya itong sinupalpal at sinabing wala siyang planong bigyang-dignidad ito.
Sa hiwalay namang pahayag, tinawag na kanal ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez ang inilabas na video ni Co.
Ayon kay Gomez, hindi man lang nag-ayos o nag-rewrite si Co ng script sa pangalawa niyang video, kahit sablay na ang una.
Puro hearsay at walang konkretong ebidensya ang mga sinasabi ni Co dahil nakabatay lang umano sa “sabi nito, sabi ni ano.”
Muli namang hinamon ng Palasyo ang dating Kongresista na umuwi na sa bansa para sumpaan ang kaniyang mga akusasyon at harapin ang proseso.









