Walang direct veto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2024 national budget.
Ito ang kinumpirma ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Malacañang, kasunod ng pagsasabatas ng General Approriations Act of 2024 na nagkakahalaga ng ₱5.768 trilyong.
Aniya, karamihan sa budget message ay walang kinalaman sa mga line provisions ng budget sa halip general observations lamang kung papano dapat na gugulin ang pondo.
Mayroon aniyang special provisions sa general provision na nagpapaalala lamang sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin nang tama ang pondo.
Pagbibigay diin ng kalihim na consistent naman ang administrasyon sa priority programs and projects na nakapaloob sa socio-economic agenda at medium-term fiscal plan.
Kabilang aniya sa Top 10, na pinaglaanan ng malaking pondo ay ang 900 bilyong piso para sa edukasyon, 800 bilyong piso sa infrastracture, social protection ng DSWD kasama rito ang ayuda, assistance o individuals in crisis program at ang bagong Walang Gutom program.
May ₱10.2 bilyong rin ang idinagdag na budget para sa defense cluster, at kasama rin sa may pinakamalaking budget ay ang Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH).
Paglilinaw naman ng kalihim na ang ₱450 bilyong dagdag sa unprogrammed fund na inilagay ng kongreso ay hindi naman kasali sa una na nilang nilatag o projected.