PBGen. Jean Fajardo, hindi na magiging tagapagsalita ng PNP

Kinumpirma ng bagong talagang acting Philippine National Police o PNP Chief PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na hindi na magsisilbing tagapagsalita ng Pambansang Pulisya si PBGen. Jean Fajardo ito’y kahit wala pang opisyal na kautusan.

Paliwanag ni Nartatez, dapat manggaling sa Public Information Office ang spokesperson.

Nabatid na si Fajardo ay nakatalaga sa Directorate for Comptrollership.

Sinabi pa ni Nartatez na sya mismo ay magsisilbing spokesperson pero kung wala naman sya ang PIO ang magsisilbing tagapagsalita ng PNP.

Facebook Comments