PBBM, bibisita ng Vietnam sa unang buwan ng 2024

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, ang nakatakdang state visit ng Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa Vietnam sa January 2024.

Inanunsyo ito ni Manalo sa kanyang official visit ngayon sa Vietnam.

Aniya, kabilang sa inaasahang tatalakayin nina PBBM at Vietnamese President Vo Van Thuong sa Enero ang hinggil sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Vietnam.


Ang kalihim ay dumadalo ngayon sa 10th Philippine Viet Nam Joint Commission for Bilateral Cooperation.

Pagkatapos nito ay dadalo naman si Manalo sa Vientiane para sa 2nd Philippines-Lao PDR Joint Commission on Bilateral Relations.

Makikipag-ugnayan rin ang kalihim sa diplomatic community upang magbigay ng talks sa Institue of Foreign Affairs na may temang “Closer Together: People at the Center of Philippines-Laos Relations.”

Facebook Comments