Mariing itinanggi ng Philippine Broadcasting Service (PBS), ang may-ari ng Radyo Pilipinas na nagpo-promote ng Chinese propaganda ang programang “Wow China.”
Ito ay matapos ulanin ng batikos ang nasabing programa sa iba’t-ibang social media platforms habang nag-trending pa ito sa Twitter.
Ayon sa PBS, ang Wow China ay isang educational program na ume-ere sa Radyo Pilipinas mula pa noong 2018.
PInangungunahan ito ng PBS Anchor at sumasahimpapawid sa wikang Filipino.
Ipinapakita nito ang pagkakaiba at pagkakahalintulad ng tradisyon, kultura, at kasaysayan ng Pilipinas at China.
Depensa pa ng PBS, ang programa ay layong palakasin ng cultural relations, information exchange at palawakin ang technical capacity sa broadcast at publishing.
Nakikipagtulungan din ang PBS sa iba pang bansa, kabilang ang BBC sa United Kingdom, Sawasdee ng Thailand, at Voice of America.
Naglalabas din sila ng balita mula Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Brunei Indonesia Malaysia Philippines – East Asian Growth Area sa pamamagitan ng isang programa.
Kinikilala ng PBS ang constitutional freedoms ng lahat at iginagalang nila ang lahat ng opinyon at sentimiyento ng publiko at ng netizens.