
Pinaa-amyendahan o kaya ay tuluyang ipinababasura na lamang ni Senator Erwin Tulfo ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).
Ito ay dahil nakasaan sa Republic Act 4566 o ang Contractors’ License Law kung saan nakapaloob ang PCAB na kailangang contractor ang mga uupong board nito.
Hindi naman makapaniwala rito si Sen. Erwin at para sa kanya malinaw na may “conflict of interest” dito.
Kinukwestyon ng senador kung papaanong mababantayan at mapapangasiwaan ng mabuti ang mga construction projects kung ang mga directors ng PCAB ay mga contractors din.
Dahil dito, nakatakdang maghain ngayong araw si Tulfo ng isang resolusyon para repasuhin at amyendahan ang ilang mga requirement sa batas partikular na ang pagiging contractor para maging opisyal ng PCAB.









