Tiniyak ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) na ipagpapatuloy ang pangako nitong pagpapahusay sa “participatory governance” sa katatapos na paggunita ng ika-siyam na taon ng ahensya.
Layunin ng hakbang na mahikayat ang partisipasyon ng mga mamamayan para sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangingisda batay sa prinsipyo ng mabuting pamamahala.
Bukod dito ay tiniyak din ng ahensya ang pagsusulong ng transparency at accountability gayundin ang pagsasaayos sa sistema ng check and balance.
Tinukoy rin ang malaking tulong sa Agriculture at Fisheries ng kooperasyon ng civil society organizations, private sector-partnership, modernisasyon ng agricultural sector, konsultasyon sa mga stakeholders, pagsasagawa ng dayalogo at participatory monitoring at tracking sa mga accomplishments o nagawa ng ahensya para sa implementasyon ng agricultural at fishery programs at projects.
Binanggit naman ni dating Agriculture Sec. William Dar na mahalaga rin ang pakikilahok ng mga practitioners, academe at kahit ang mga kabataan bilang stakeholders na makakapag-ambag sa pagpapaunlad ng agri-fishery sector.