PCC, inatasan ang Grab na magbayad ng P6.25 million sa mga pasahero nito sa NCR

Ipinag-utos ng Philippine Competition Commission (PCC) sa Grab Philippines na magbayad ng nasa ₱6.25 million sa piling pasahero sa Metro Manila dahil sa pricing issues noong 2019.

Sa statement, sinabi Grab na inatasan sila ng antitrust watchdog na i-disburse ang administrative fine sa mga pasahero na nag-avail ng GrabCar services mula August 11 hanggang October 31, 2019.

“While Grab’s fare remains compliant with the fare matrix of the LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board), this directive follows PCC’s findings that there were some pricing issues from 11 August until 31 October 2019 that need to be addressed,” sabi ng Grab.


Dahil dito, ang ilang pasahero ng Grab sa Metro Manila na may kabuuang pamasahe na ₱488 mula August 11, 2019 hanggang October 31, 2019 ay may balik-bayad na ₱1 disbursement na maaari nilang makuha sa GrabRewards Catalogue sa Grab App.

Facebook Comments