Tinanggap na ng mga Local Government Unit mula Autonomous Region in Muslim Mindanao na awardee ng Seal of Good Local Governace 2017 ang kani kanilang Performance Challenge Fund.
Pinangunahan mismo ni Department of Interior and Local Government ARMM Secretary Atty. Kirby Abdullah ang aktibidad na isinagawa sa Pagana Resto, Cotabato City ngayong umaga.
Nagkakahalaga ng 2 Million Pesos ang PCF na tinanggap ng 20 LGU. Kabilang ang Buldon, Barira, Datu Abdullah Sangki, Datu Paglas, General Salipada K. Pendatun, Kabuntalan, Matanog, Parang, Rajah Buayan, Sultan Mastura, Sultan Kudarat at Upi na lalawigan ng Maguindanao ,Calanogas, Piagapo, Kapatagan ng Lanao Del Sur, Jolo at Talipao ng Sulu at Lamitan City ng Basilan ang tumanggap ng PCF.
Inaasahang ilalaan sa ibat ibang proyekto ng kani kanilang LGU ang pundong natanggap. Umaasa si Sec. Abdullah na makakatulong ito sa mga LGU na maipagpatuloy ang kanilang mga nasimulang magandang pamamahala.
Kaugnay nito patuloy na hinihikayat ng DILG ARMM base na rin sa direktiba ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang lahat ng mga LGU sa buong rehiyon na patuloy na magsumikap at isulong ang repormang nasimulan ng gobernador sa rehiyon at makiisa sa kampanya at adbokasiya ng Presidente Rody Duterte.