Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) Rear Admiral Armand Balilo na hindi pa aalisin ng PCG ang kanilang rescue team sa lugar na pinagtaoban ng bangka sa Binangonan, Rizal nitong nakalipas na araw.
Sa ginanap na Forum sa Quezon City, sinabi ni PCG Rear Admiral Armand Balilo na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na may makita pa silang tao sa ilalim ng tubig.
Bagama’t wala ng pamilya ang naghahanap pa ng kanilang nawawalang kaanak, mananatili pa sila sa lugar.
Paliwanag pa ni Balilo maging ang kapitan ng bangkang tumaob ay hindi matiyak kung ilan talaga ang sakay nito bago maganap ang trahedya.
Base sa talaan ng kapitan ng bangka, nasa 22 pasahero lang ang nakatala sa manifesto nito.
Hanggang ngayon, nanatili sa 27 sakay ng bangka ang namatay at 40 ang nakaligtas para sa kabuuang 67 ang bilang.
Kahapon, tinapos na ng PCG ang underwater Search and Retrieval operation sa Lawa at ngayong araw ay itutuloy naman ang surface search and retrieval operation.