PCG, all set na para magpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas

Bibiyahe na ngayong araw ang mga barko ng Philippine Coast Guard o PCG na BRP Melchora Aquino at BRP Gabriela Silang.

Ito ay para maghatid ng relief items o supplies at iba pang tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, tutungo sa Visayas ang kanilang dalawang barko, partikular sa IloIlo na isa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Paeng.


Aniya, karga ng dalawang barko ang kabuuang 10,000 na family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, PCG Auxilliary at sa pribadong sektor.

Kabilang dito ang mga delata, mga inuming tubig, hygiene kits, blankets at iba pa.

Sa biyahe, ang BRP Melchora Aquino ay mayroong 72 personnel habang ang BRP Gabriela Silang ay mayroong 35 personnel.

Facebook Comments