Sunday, February 1, 2026

PCG, all set na sa pagdiriwang ng kapistahan ng Hesus Nazareno

COURTESY: Philippine Coast Guard

Nakahanda ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbabantay para sa ligtas at maayos na Traslacion 2026 na gaganapin sa Maynila sa darating na Biyernes, ika-9 ng Enero 2026.

Ayon kay Coast Guard Station (CGS) Malacañang Commander, Commander Michael John Encina PCG, liban sa mga tauhan mag-de-deploy rin ang PCG ng mga patrol boat at iba pang floating asset.

Ito’y upang masiguro ang kapakanan ng milyun-milyong debotong inaasahang dadalo sa naturang aktibidad.

Dagdag pa rito, mahigpit ang isinasagawang koordinasyon ng CGS Malacañang sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang matiyak ang mapayapang pagdaraos ng Traslacion 2026.

Nananawagan naman ang PCG sa publiko na manatiling alerto at makipagtulungan sa mga awtoridad tungo sa pagtataguyod ng kaligtasan at seguridad ng lahat sa mismong araw ng kapistahan ng Hesus Nazareno.

Facebook Comments