
Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi magiging madali ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero na umanoy itinapon sa Taal Lake.
Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Noemie Cayabyab, maraming kahaharaping hamon ang technical divers nila para maisagawa ang paghahanap.
Kabilang dito ang lalim ng Taal Lake na 170 meters kumpara sa 100 metro na pinakamalalim na nasisid ng mga diver ng Coast Guard.
Ilan din sa mga nagpapahirap sa PCG ay ang kalidad ng tubig, lagay ng panahon na makakaapekto sa alon at ang aktibidad ng bulkan.
Aniya, ang tagal na panahong nasa tubig ang mga sinasabing itinapon na sabungero, maaaring wala na sa eksaktong lugar kung saan umano ito itinapon.
Dagdag pa ni Capt. Cayabyab, makikipag-ugnayan sila sa Philippine Navy para makatulong sa pagsisid kung sakaling gagawin ito.
Paglilinaw naman ng PCG na hanggang ngayon ay wala pa namang opisyal na hiling ang Department of Justice (DOJ) para magsagawa nang pag-dive sa Taal Lake.









