PCG at BFAR, magsasalitan ng pagpapatrolya sa West Philippine Sea para tiyakin na laging may barko ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc

Target ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magkaroon ng complimentary deployment o salitang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Ibig sabihin, sa oras na bumalik ang barko ng PCG sa kanilang headquarters ay papalitan ito ng barko ng BFAR para hindi maging bakante ang pagpapatrolya.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ito ay upang matiyak na mayroong presensya ng Pilipinas sa WPS sa lahat ng oras at makapangisda ng walang takot ang mga Pilipinong mangingisda.


Kailangan din aniyang maipabatid sa China na ating ang West Philippine Sea at hindi ito pinababayaan ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Tarriela na sa kabila ng patuloy na pangbu-bully ng China ay hindi mangunguna ang Pilipinas sa pang-uudyok dahil ang pangunahing misyon nila ay makapagdala ng suplay at suporta sa mga mangingisda at sa mga tropang nagbabantay sa karagatang sakop ng bansa.

Facebook Comments