Manila, Philippines – Pinangunahan ng Philippine Coast Guard ang Joint Exercises sa Manila Bay kasama ang mga Coast Guard ng lima pang bansa na inimbitahan ng Japan International Cooperation Agency o JICA para sa 15th Maritime Law Enforcement exercises.
Bukod sa Pilipinas ay kasama rin sa boat drill ang Coast Guard ng Japan, United States of America, Malaysia, Indonesia at Vietnam.
Kabilang sa mga sumaksi sa naturang pagsasanay ay sina Japan Special National Security Adviser Kentaro Senora, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Philippine Coast Guard Officer in Charge Commodore Joel Garcia at iba pang matataas na opisyal ng Pamahalaan.
Ipinakita rin kanina ang tatlo sa 10 mga bagong speed boat na pinangakong donasyon ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Ayon kay PCG Spokesman Capt Armand Balilo nagkakahalaga ng 600 millon Yen ang speed boat ay may bilis na 60 Nautical miles per hour, may kapasidad na hanggang 15 katao na gagamitin sa pagbabantay sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi, Basilan, Zamboanga at mga karatig na lugar kung saan nagaganap ang mga pamimirata at smuggling.