Mas lalo pa palalakasin ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagbabantay sa mga pantalan upang maharang ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa.
Sa nilagdaang Memorandum of Agreement o MOA nina PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at PDEA Director General Usec. Moro Virgilio Lazo, dineklara ang mahigpit na pagbabawal ng smuggling, pagbiyahe at pagpasok ng iligal na droga at mga sangkap nito sa teritoryo ng Pilipinas.
Magsasagawa ng regular na pulong ang PCG at PDEA upang talakayin ang mga operasyon, ang kasalukuyang kalagayan ng mga programa at pagbalangkas ng mga hakbang upang makamit ang layunin ng kasunduan.
Magpapalitan rin sila ng mga kaalaman at proseso hinggill sa isyu drug smuggling kung saan sa ilalim ng MOA, pangungunahan ng PDEA ang narcotics investigation at ang anti-drug operations.
Aalalay at tutulong ang PCG sa pangangalap, pangungulekta, pagproseso at pag-analisa ng mga impormasyon upang maharang ang pagpasok ng illegal drugs sa mga pantalan o coastlines ng Bansa.
Ang PDEA personnel ay isasali na rin sa PCG inspection ng mga dumadaong at papalanas na mga barko alinsunod sa batas.