PCG at Phil. Marines, inatasan na magpatrolya sa Batanes

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Marines ang regular na pagpapatrolya sa mga isla ng Batanes.

Nais ng Pangulo na matiyak na mananatiling bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang mga nasabing isla.

Pinalalagyan din ng Pangulo ang mga isla ng anumang simboliko na magpapakitang bahagi ang mga isla sa Pilipinas.


Aniya, mahirap na ang mga panahong ito lalo na at may agawan ng teritoryo ang Pilipinas at China

Sang-ayon din ang Pangulo sa suhestyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na palawakin ang runways ng Batanes airport.

Facebook Comments