PCG, beberipikahin ang ulat na may mga itinatapong dumi ng tao sa WPS

Nakikipagtulungan na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para beripikahin ang mga ulat na may itinatapong dumi ng tao ula sa daan-daang barko ng China sa West Philippines Sea.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, inaalam nila kung tuna yang mga ulat.

Ang United States-based geospatial intelligence company na Simularity ay bukas sa anumang imbestigasyon para malaman kung ang kanilang report ay tunay o peke.


Noong Marso, aabot sa higit 200 barko ng China ang namataan sa Julian Felipe Reef sa WPS.

Facebook Comments