PCG-Bicol, sinuspinde na ang mga biyahe sa lalawigan kaugnay sa pagpasok ng bagyo sa bansa

Bicol, Region – Suspendido na ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte.

Ito ay matapos na isailalim sa typhoon signal 1 dahil sa kapapasok lang na bagyo sa bansa na may international name na Talim.

Ayon kay Bicol Coast Guard Station Commander Algier Ricafrente, inatasan an nito ang lahat ng mga tauhan na magbigay babala sa mga may-ari ng mga sasakyang pandagat, partikular na ang mga mangingisda, na wala munang maglalayag sa ngayon.


Samantala, iginiit nito na hangga’t nakataas ang typhoon signal, hindi papayagan ang anumang paglalayag ng mga sasakyang pandagat para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments