Nadagdagan pa ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, ngayong araw dahil sa Bagyong Egay.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG), umaabot na sa 11,100 na pasahero, truck drivers, at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan.
Habang 73 vessels, 2,030 rolling cargoes, at 27 motorbancas ang stranded na sasakyang pandagat sa buong bansa.
Nasa 111 vessels at 67 motorbancas naman ang kasalukuyang nakadaong sa mga pantalan sa Bicol, Eastern Visayas, Southern Tagalog, at NCR-Central Luzon.
Facebook Comments