PCG, binabantayan na ang posibleng oil spill sa tumagilid na barko sa Romblon

Patuloy na nakabantay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa posibleng epekto ng oil spill sa tumagilid na barko sa Romblon.

Kaugnay nito, naglagay na ng oil spill boom ang PCG District Southern Tagalog para makontrol ito sakaling magkatoob oil spill sa tumagilid na barko sa Banton Island.

Ayon sa PCG, ang oil spill boom ay isang paraan para mapigilan ang posibleng pagtagas ng lwngis sa karagatan ng Barangay Nasunugan, Banton, Romblon.


Tumagilid ang MV Maria Helena na pag-aari ng Montenegro Shipping Lines, may halos 100 Metro ang layo sa babaybayin ng nasabing isla matapos mawalan ng balanse makaraang sumabog ang isang gulong ng sakay nitong rolling cargo base sa kwento ng kapitan ng barko.

Nailigtas naman ang mga crew at pasahero ng naturang barko matapos ang mabilis na responde ng mga awtoridad ng bayan ng Banton.

Facebook Comments