
Naging matagumpay ang pagsali ng BRP Teresa Magbanua sa Trilateral Maritime Exercise 2025 kasama ang Japan Coast Guard at U.S. Coast Guard.
Ang pagsasanay ay nagsimula noong Hunyo 6 sa Kagoshima Port, Japan, bilang bahagi ng pagpapalakas ng maritime security sa Indo-Pacific Region.
Kabilang sa mga naging aktibidad ay ang Communication Exercise, Search and Rescue Exercise, Fire Fighting Exercise, Photo Exercise at Transfer of Personnel.
Mismong si PCG Deputy Commandant for Administration Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio ang nagbigay parangal sa personnel ng BRP Teresa Magbanua.
Aniya, maituturing na “mission accomplished” ang hakbang dahil ligtas na nakabalik ang vessel at tauhan ng BRP Teresa Magbanua kung saan mailalatag nila ang mga natutuhan sa operasyon ng PCG.
Layunin din ng pagsasanay na palakasin ang antas ng kakayahan ng BRP Teresa Magbanua lalo na sa pag-mo-monitor sa karagatan sakop ng Pilipinas.









