PCG: Biyahe ng mga barko at sasakyang pandagat, unti-unti nang bumabalik sa normal

Unti-unti nang bumabalik sa normal na operasyon ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa bansa.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sa Visayas region, nagsimula na ulit ang biyahe ng mga barko dahil wala ng umiiral na babala ng bagyo sa rehiyon.

Sa Bicol Region naman, nasa 350 na lamang ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan at naghihintay na lamang ang mga ito ng masasakyang barko.


Sa Southern Tagalog region naman, nasa 953 pa na pasahero ang nakaantabay at 372 naman sa NCR-Central Luzon.

Hinihintay na lamang ng mga ito na maialis ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang storm signal bago makabiyahe.

Samantala, nagpapatuloy naman ang clearing operations ng PCG sa mga kalsadang naapektuhan ng Bagyong Egay, partikular dito ang Buguey at Claveria sa Cagayan.

Facebook Comments