Tiniyak ng Pilipinas, Japan at Estados Unidos ang kanilang commitment para mapanatili ang kapayapaan sa West Philippine Sea.
Sa gitna ito ng deklarasyon ng China na hulihin ang mga dayuhan na papasok sa kanila umanong teritoryo.
Ayon kay Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gavan, inirekomenda nila sa Coast Guard ng Japan at US ang pagbuo ng mga bagong paraan sa pagtugon sa mga banta sa karagatan.
Sinabi ni Gavan na patuloy nilang ipagtatanggol ang karapatan ng mga Pilipinong mangingisda habang sumusunod pa rin sa international law.
Nakatakda namang magdagdag ng tauhan ang Japan at Amerika para sumuporta sa PCG sa paggiit sa karapatan sa pinag-aagawang teritoryo.
Facebook Comments