Bumuwelta ang Philippine Coast Guard sa pahayag ng China na gumagawa ang bansa ng “political drama” kaugnay ng pagkasira ng mga coral sa Rozul Reef at Escoda Shoal.
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, isang seryosong krimen ang pag-aani at pagsira ng Tsina sa mga coral reef.
Dapat din aniyang tigilan ng China ay pambibintang na nagdudulot ng polusyon sa tubig ang BRP Sierra Madre.
Sa halip, dapat aniyang sisihin ng China ang pagkukumpulan ng napakarami nitong maritime militia vessels sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Samantala, tinawag naman na “insincere” at “hyprocite” ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang pagtanggi ng China na sila ang may kagagawan ng pagkasira ng mga coral sa West Philippine Sea.
Dahil dito, mas lalong hindi magtitiwala ang mga Pilipino at ang mundo sa gobyerno ng China.