Umapela ang liderato ng Philippine Coast Guard (PCG) sa House of Representatives na tapusin na agad ang imbestigasyon ukol sa umano’y gentleman’s agreement sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Ang apela ay ipinarating ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan sa pagdinig ng House Committee on National Defense and Security at Special Committee on the West Philippine Sea ukol sa naturang secret deal.
Ayon kay Admiral Gavan, kung papahabain pa ang imbestigasyon ng Kamara ay posible itong magdulot ng pagkakawatak-watak ng mamamayang Pilipino at maghatid ng kalituhan sa mga naka-deploy sa ground.
Facebook Comments