PCG DAGUPAN, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MOTOR BOAT TERMINAL

Ininspeksyon ng mga kawani ng Philippine Coast Guard Dagupan Substation ang kalagayan ng mga bumabyaheng motorboat sa bahagi ng Magsaysay Fish Market kahapon.

Dito ay tiniyak ang kaligtasan ng mga motorboat drivers, operators at mga pasaherong patungo at pabalik ng mga island barangay dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Tinignan rin ang kaligtasang bumyahe ng mga sasakyang motor boat na ginagamit pang hatid sa mga pasahero.

Samantala, patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng mga drivers at operators sa tanggapan para sa mabilisang responde sa oras na mangailangan ang mga ito ng tulong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments