Malayo nang mauwi sa malawakang oil spill ang paglubog ng dalawa pang oil tanker sa bahagi ng Bataan.
Sa presscon sa Office of Civil Defense (OCD), sinabi ni Philippine Coast Guard Station Bataan Lt CDR. Michael Encina na sa ngayon ay under control na ang sitwasyon sa dalawa pang lumubog na barko.
Hindi naman kasi aniya ganoon karami ang tumagas na langis mula sa mga ito at aktibo rin aniyang nakikipagtulungan ang mga kumpanyang nag mamay-ari dito para agapan ang posibleng maging epekto nito.
Aniya, nasimulan narin ang mano-manong pagtatanggal ng langis mula sa lumubog na MV Mirola Uno, habang inaasahan narin ang pagsisimula ng siphoning operations sa lumubog na water Tanker Jason Bradley.
Facebook Comments