PCG, humiling sa Senado na itaas sa ₱144 million ang kanilang CIF

Hiniling ng Philippine Coast Guard (PCG) na madagdagan ng P144 million ang kanilang confidential and intelligence fund (CIF) para sa susunod na taon.

Sa budget briefing ng Senate subcommittee on Finance, sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na nasa P10 million lang ang inilalaan sa kanilang CIF mula taong 2013.

Nais ng PCG na madagdagan ang kanilang CIF sa gitna na rin ng kanilang mga hakbang sa West Philippine Sea na sinuportahan naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri.


Maliban sa CIF, humihingi rin ang PCG ng dagdag na P600 million na pondo para sa fuel requirements at P563 million para sa pagsasaayos, docking at maintenance ng mga sasakyang pandagat ng Coast Guard.

Para sa susunod na taon, nasa P24.019 billion ang panukalang pondo para sa PCG, mas mataas kumpara sa P21.920 billion na alokasyong pondo nila ngayong taong 2023.

Facebook Comments