PCG, idineploy ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal sa gitna ng ini-ulat na reklamasyon ng China

Sa gitna ng umano’y pagtatangka ng China na magsagawa ng reklamasyon, hindi nagpatinag ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagde-deploy ng kanilang BRP Teresa Magbanua vessel sa Escoda o Sabina Shoal.

Ito umano ay kaakibat ng sinasabing ilegal na pagtatayo ng artificial island sa Escoda Shoal at ang pagde-deploy ng naturang vessel ay kabilang sa kanilang hakbangin upang manmanan ang anumang hindi awtorisadong aktibidad sa lugar.

Binigyang-diin naman ni PCG Spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela ang kahalagahan ng matagalang presensiya sa shoal upang mabantayan ang tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.


Kaugnay rin nito ay mahigpit din nilang binabantayan ang tatlong Chinese research vessels kasama na ang tinatawag na ‘mother boat’ na nangongolekta umano ng mga datos o impormasyon mula sa maliliit na exploratory boats na matatagpuan malapit sa Escoda Shoal.

Facebook Comments