PCG, inilagay sa heightened alert sa harap ng muling pag-a-alboroto ng Bulkang Taal

Inilagay ngayon sa “heightened alert” ang Philippine Coast Guard sa Southern Tagalog kasabay ng muling pag-a-alboroto ng Bulkang Taal.

Nauna rito inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na itinaas na nika sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Ito’y matapos ma-monitor ang “short-lived phreatomagmatic burst” na sinundan ng “phreatomagmatic activity.”


Agad na nag-dispatch ng isang deployable response group (DRG) ang PCG-Station Batangas para mabantayan ang sitwasyon at mga susunod pang aktibidad ng Bulkang Taal.

Ipinag-utos rin ni PCG Commander Artemio Abu ang pagpapatrolya ng PCG Sub-Station Talisay at PCG Sub-Station San Nicolas para magpatupad ng force evacuation sa lahat ng mga mangingisda at fish cage workers sa katubigan ng Taal Volcano Island.

Naka-antabay na rin ang dalawang PCG trucks sa Batangas para makatulong sa paglikas ng mga apektadong residente.

Facebook Comments