Isa ang patay habang siyam naman ang nawawala matapos lumubog ang isang fishing vessel sa Baganga, Davao Oriental kaninang madaling araw.
Ayon sa kapitan ng bangka na si Allan Donaire, nagkaroon ng biglaang pagbabago sa lagay ng dagat bandang alas-12:00 ng gabi, na naging sanhi ng paglubog ng kanilang bangka kaninang ala-1:00 ng madaling araw.
Batay sa mga tauhan ng vessel, mayroong 24 na crew ang nakasakay nang mangyari ang aksidente sa dagat.
Agad namang nagtalaga ng tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) upang rumesponde sa lumubog na bangka.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng search and rescue (SAR) operations ang mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente at siniguro ang kaligtasan ng 14 na tripulante.
Facebook Comments