PCG, isinasabay na rin sa pagpapatrolya ang pamamahagi ng relief supplies sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Namahagi na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Army (PA) ng relief supplies sa mga residenteng lumikas sa harap ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Partikular na hinatid ng PCG personnel ng ayuda ang mga apektadong residente ng Laurel, Batangas.

Kabilang sa kanilang ipinamahagi ang mga pagkain, sleeping kit, hygiene kits, mga gamot at iba pang pangangailangan.


Partikular na pinuntahan ng mga tauhan ng PCG ang mga residenteng nasa evacuation centers sa Bilaran National High School at Banilad National High School.

Facebook Comments