Mariing kinokondena ng Philippine Coast Guard (PCG) ang marahas na hakbang ng China Coast Guard (CCG).
Ito ay ang iligal na paggamit ng water cannon ay delikadong pag-maniobra ng kanilang sasakyang pandagat.
Nangyari ang insidente habang inaalalayan ng barko ng PCG ang mga bangka ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghahatid ng pagkain, tubig, fuel at iba pang suplay ng militar na naka-destino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ang naging hakbang ng China Coast Guard ay hindi lamang inilagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga tauhan ng PCG kung hindi nilabag din nila ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), at 2016 Arbitral Award.
Kaugnay nito, tinatawagan ng pansin ng PCG ang China Coast Guard na irespeto ang karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf kung saan huwag nilang pigilan ang malayang paglalayag at papanagutin ang kanilang mga tauhan na gumawa nito.