
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na isang Chinese research vessel ang kanilang namataan sa karagatang sakop ng bansa.
Ayon sa PCG, patungong Celebes Sea ang research vessel na Song Hang na na-monitor sa layong 37 nautical miles sa timog ng Cuyo Island sa bahagi ng Palawan kahapon.
Bagama’t pinapayagan silang dumaan dahil sa right of innocent passage sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea, mahigpit pa ring binabantayan ng PCG ang paggalaw ng barko upang masiguro na sumusunod ito sa domestic at international maritime regulations.
Nag-deploy na rin ng PCG ng aerial assets para magsagawa ng surveillance at situational awareness.
Muling tiniyak ng coast guard ang kanilang tungkulin na protektahan ang soberenya ng bansa at siguruhin ang ligtas na paglalayag sa karagatang sakop ng Pilipinas.