PCG, maghahatid ng tubig at pagkain sa Catanduanes

Naghahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) para i-deploy ang isa sa mga barko nito para maghatid ng tubig at pagkain sa Catanduanes bukas, .

Ayon kay PCG Commandant, Admiral George Ursabia, naghihintay lamang sila na makabalik ang barko mula sa Bacolod City kung saan ito nagdaong bago manalasa ang Bagyong Rolly.

Magkakarga sila ng tubig, pagkain at iba pang supplies bukas at inaasahang darating sa Catanduanes sa Huwebes ng hapon o Biyernes ng umaga.


Sa ngayon, ang mabilis na paraan para maihatid ang tulong sa Catanduanes ay sa pamamagitan ng himpapawid.

Ang Coast Guard ay nag-deploy na ng dalawang airbus light twin engine helicopters para suportahan ang pagsasagawa ng typhoon damage assessment at emergency response operations sa Catanduanes.

Bukod sa mga doktor, pinadala rin sa lalawigan ang communications personnel na may high-frequency radios at portable transmitters para mapalakas ang telecommunications service sa probinsya.

Facebook Comments